This was sent to me by one of my buddies. I find it funny at the same time true. That's why I’d like to share it with you - BlogusVox
Anak, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.. Kahit hindi kami naging mag-asawa ng nanay mo, sana huwag kang magtatampo kung ikasal kami sa iba at magkaroon ka ng mga bagong kapatid. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, at huwag ninyong gawing telenobela ang buhay ninyo dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay.
Mahalin mo ang nanay mo. Wala siyang ibang inisip kundi kapakanan Mo. Kung paluin ka man niya o sigawan, ito ay dahil may nagawa kang hindi sang-ayon sa mga prinsipyo niya. Itanong mo kung bakit ka niya pinapagalitan. Kung mali naman talaga, huwag mo nang ulitin. Piliin mong mabuti ang mga kaibigan mo. Huwag sumali sa barkada na may iisang stereotype. Huwag sumali sa barkada na puro jologs, puro conio, puro bakla, puro nerd, puro manginginom, puro manyak, puro leadtech, puro equipment tech, puro Process engr, puro equipment engr, puro visor, puro manager, puro HR, puro IE o puro nasa taas lang ang kaya mong batiin! Siguraduhin mong nakikita mo ang lahat ng klase ng tao sa barkada mo. Mas marami kang matututunan sa kanila kesa sa TV o sa bahay mo. Marami silang maituturo sa yo na hindi namin kaya, o hindi appropriate na kami ang magturo.
Maging fluent ka sa written and spoken English. Pag-aralan mong mabuti ang subject-verb agreement. Huwag kang matakot mag-consult sa dictionary o thesaurus kapag may hindi ka naiintindihan. Kasi anak,darating ang araw, makakaapak ka sa ibang bansa, at sigurado akong marami kang makakausap na hindi makakaintindi ng Tagalog. Kahit saang sulok sa mundo, makakahanap ka ng nagsasalita ng English. Kung wala ka namang makuhang trabaho eh pwede kang pumasok sa call center at dun mo gamitin ang english mo! Gawin mo ang lahat para matuto kang mag-gitara. Pag-aralan mo ding kumanta ng nasa tono. Kahit saan mo kasi dalhin ang gitara, maaaliw ka e. Isipin mo yung mga bulag. Hindi sila nakakapag-PSP. Hindi sila nakakapag-Internet. Hindi sila nanonood ng TV, at hindi sila nakakapag-enjoy sa mall. Pero bigyan mo sila ng gitara at pakantahin mo, matutuwa sila. May kuryente man o wala, mapapasaya ka ng gitara. Makinig ka sa mga kanta ng Beatles. Kapag naging aware ka na sa pag-develop ng musical style ng Beatles, kahit anong genre kaya mong i-appreciate. Sa kanila ka matututong magsulat ng poetry, at sa kanila mo rin matututunan kung paano lagyan ng music ang poetry na ito. Saan ka nakakita ng banda na lampas 30 years nang naghiwalay, patay na ang ilan sa mga miyembro, pero sikat at ginagaya pa rin? Beatles lang ang makakagawa nun, anak. Kung di mo naman trip ang Beatles eh pwede kang makinig ng EMO, grunge rock, heavy metal, indie, punk o alternative! Basta wag ka makikinig sa Cueshe at kay April Boy!
Pagdating mo ng college, huwag mong kakalimutang subukan lahat ng kalokohan sa mundo. Bakit college? Kasi kung high school ka magiging sira ulo, mawawalan ka ng options sa college. Baka sa walang kwentang money-centric computer institute ka bumagsak. Mag-aral ka ng mabuti sa elementary at high school. Dapat makapasok ka sa UP, Ateneo, La Salle , o UST, AdU, Mapua or PUP. Dapat maganda yung course mo. Mas maganda kung engineering ang course mo! Pero kung gusto mong yumaman, Nursing na lang kunin mo! Matatagalan kasi pagyaman mo kung engineer ka! Sa college, balansehin mo yung academics mo tsaka kalokohan.
Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinbukasan. Huwag magpakalasing kung wala kang siguradong uuwian at kung walang aalalay sa yo pag sumusuka ka na. Wag maadik sa droga. Sumubok kang mag-marijuana pero subok lang. Kung dadating yung panahong hindi mo na mapigilang makipag-sex, siguraduhin mo lang na gaganda ang lahi natin kung sakaling mabuntis mo yung makaka-sex mo. Siguraduhin mo rin na babae ang partner mo! Marami kasi sa Bora at Puerto eh mga bakla! Practice safe sex. Wag mong kakalimutang mag-survey ng lugar kung may camera o wala. Kawawa naman ang nanay mo kung malalaman niyang may scandal ka. Kung gagawa ka naman ng scandal, make sure na nasa separate na Memory Card sya, iwasan mo na ma-corrupt para mai-blutooth mo sakin!
Huwag mong gawing trial and error ang pagkakaroon ng girlfriend. Alamin mo muna kung ano ang kaya mong ibigay sa isang relationship, at kapag nalaman mo na, doon ka maghanap ng isang babaeng magiging masaya sa mga maibibigay mo. Pakinggan mong mabuti ang mga kuwento ng girlfriend mo. Alamin mo kung ano ang mga gusto niya at mga ayaw niya. Huwag mong sisigawan. Dahil ang babae, kapag pinakinggan mo siya at alam niyang nirerespeto mo siya, mamahalin ka nun habambuhay.
Pagka-graduate mo, iwanan mo na ang mga araw na umaasa ka pa sa Ibang tao para mabuhay. Pumasok ka sa Sunpower para malaman mo ang value ng pera! Mahirap ata kitain ang 9300 sa isang buwan! Dose oras na Load Unload yun! Matuto kang mag-ipon. Alamin mo kung tama yung kinakaltas sa sweldo mo. Pinaghirapan mo yang pera na yan. Huwag mong hayaang kunin na lang ng kung sinu-sino. Bago ka gumastos, lagi mong itanong sa sarili mo kung ang bibilhin mo ay isang NEED , isa lamang WANT, isa lamang YABANG, o isa lamang SUNOD SA USO! Sana maging accountable sa lahat ng ginagawa mo. Oo, hindi maganda ang sitwasyon nung dumating ka sa mundo. Pero sana sa paglaki mo, huwag mong sisisihin ang mga pangyayaring ito kaya ka nagrerebelde o nalulugar sa masamang landas. Ang buhay mo ngayon ay dahil sa desisyon namin na mabuhay ka. Pero tandaan mo to: lahat ng mangyayari sa buhay mo e dahil sa mga desisyon mo.
Anak, marami pa akong gustong sabihin sa iyo. Buti na lang naitanong ko sa isang kaibigan ko kung ano ang kaisa-isang advice na maibibigay niya sa anak nya, at eto yung nasabi niya sa kin. Sa lahat ng maibibigay kong advice, eto ang pinakamahalaga:
LEARN.Huwag kang matakot matuto. Matuto ka sa Discovery at National Geographic channels. Matuto ka sa library. Matuto ka sa Internet. Matuto ka sa news. Matuto ka sa Bible, Koran, at teachings ni Buddha. Matuto ka sa mga pagkakamali namin ng nanay mo. Matuto ka sa mga kaibigan mo. Higit sa lahat Matuto ka sa mga pagkakamali mo.
Parang Desiderata ng makabagong panahon! o",)
ReplyDeleteHindi kasali ang school ko sa mga binanggit, pero ayos lang... Ito ginagawa ko ito noon: "Gumimik ka pero pasukan mo lahat ng klase mo kinabukasan."
Sabi ko na nga ba, mahalagang maggitara; kaya kahit na trying hard, sinisikap ko pa ring matuto hanggang ngayon.
-----
[(Sino kaya 'yang first commenter?! Nag-iiwan ng mga Inintsik na comment yan sa blog ko, 15 comments!)]
RJ, Oo nga ano. Parang Desiderata para sa mag-aaral. : D.
ReplyDeleteYung 1st commenter, huwag muna lang pansinin pero idelete mo ang mga comments pag sumubra sa isa! >: (
bumilib ako sa sulat nato.para kasing naranasan ko lahat nung nabanggit. pero sa huli, tayo parin ang magdesisyon kung saan tayo matututo. yun yung matuto sa mga pagkakamali.
ReplyDeletepero naranasan ko rin kantahin yung di ko kayang tanggapin ni april boy.. isasali ko nalang ito sa mga pagkakamali ko...:)
I am hoping there's a chance na mabasa ito ni Marlene Aguilar...She needs to read this very badly.
ReplyDeleteever, welcome back. Mukhang nakakaluwag kana sa trabaho mo ah. : )
ReplyDeletesheng, LOL! IMO, pareho silang may tama nung anak nya!
Hehehe :D Ang galing lalo yung gumimik pero pumasok pa rin sa schoool,Parang ako nung college, long hair, inom, yosi, banda, concert, gulo pero nakagraduate at nagagamit ngayon ang pinag aralan...
ReplyDeleteCool! :D
nice post! swak na swak sa pagkatao ko.. ganito rin ang ibabahagi ko sa magiging asawa at anak ko :)
ReplyDeletesalamat ng marami kabayan..
CM, ganyan dapat. Balanse ang lakwatsa at pag-aaral, di ba?
ReplyDeleteSLY, walang ano man. : )
the last part says it all. Learn from your mistakes.
ReplyDeleteOh I love this entry kasi may anak din ako, and kahit magtwotwo years old pa lang sia, parang di namin alam paano palakihin, kaya 'we learn'. We heed up to Jarir, and read "parenting 101". haha. Thanks Sir Ed for this post!
Ed,
ReplyDelete...but I love April Boy! Jowk.
Tawa ako nang tawa sa kababasa sa sulat na ito. I am even copying it and sending it to my friends (with a link of your blog, of course). Very cool.
Salamat naman at nabanggit ang school namin. Yehey!
As to the rest of the tips, I can't help but (laugh and...) agree. We have to experience life to appreciate its meaning.
Isa lang ang masasabi ko :coooooolllllll!!! kang tatay. ipapabasa ko to sa pamangkin ko papasok na yun ng college sa June.
ReplyDeleteKenjie, parenting is a learning process. For me, practicality and common sense is the best teacher.
ReplyDeleteNebz, okay lang yan. Hindi naman sa akin 'to. Sadly, I can't give credit to the real author.
YellowBells, why thank you! I try to raise my kid differently from the way I was raised.
Hahaha, nakakaaliw basahin. I especially agree with the recommendation about Beatles and being friends with people from different walks of life. Kailangan ng balanse sa lahat ng bagay.
ReplyDeleteI believe the besteducation is out best examples to our kids.
ReplyDeleteWe cannot say to our sons and daughter, "do what I say but dont do what I do".
Mali naman ata yung sabihan nating, anak wag ka manigarilyo, kasi masama sa katawan, but the parents are doing it.
Di ba parang kaipokritahan na yan?
Hindi kang kasi academic ang pwede i learn ng isang bata. He must learn the commandments and priciples of God and the parents MUST inculcate these principles to themselves and passed it to their children as eternal heritage.
Naks, lalim!lol
Ms.Jo, true, meeting and knowing all sorts of people enriches oneself.
ReplyDeleteFrancesca, bigla akong napanganga eh! (LOL), Ang bigat nga ng binitiwan mong salita. Parang hindi ikaw. >: D
Wow cool talaga ang advice na 'to hula ko ang gumawa nito ay isang engineer na nagtatrabaho sa manufacturing company hehehe, hula lang naman hehehe. Natawa ako sa mga advice niya totoong totoo yun iba nagawa ko at naks naman special mention pa school ko at mo pala di ba hehehe.
ReplyDeletehehehe.. parang nobela yung payo niya sa anak niya :) pero lalo akong natawa ako doon iwas sa iskandalo - ilagay sa separate Memory card para mai- Bluetooth sa kanya lol :)
ReplyDeleteSardz, ganyan dati ang college life ko. Nasa gitna ng matinong pag-aaral at iskul-bukol.
ReplyDeletebw, LOL! Hindi ko tuloy mapagtanto kung "cool" o kunsintidor na magulang!
Hay sobrang aliw ito! Meron bang para sa anak na babae?
ReplyDeleteSobrang straightforward at hindi sobrang higpit, ganito daw ang mabuting pagpapalaki, or sabi ng mga iba na may cool na magulang. Sakin naman medyo mahigpit ang pagpapalaki pero tingin ko lumabas naman ako ng ayos, hehe. I think this shows how much open communication is important when it comes to raising children. There are things that children better learn from their parents, rather than their peers.
Ang super love ko dito ay yung huli, yung LEARN. It's a neverending thing, that learning. More than anything else, that's what I want to inculcate in my future children.
Katz, iba ang tingin ng magulang sa anak na babae at lalaki. They tend to be more strict sa babae dahil it's in our culture na more protective tayo sa kababaehan.
ReplyDeleteGaling. saludo ako sayo. :)
ReplyDeleteewan ko pero pinaka-nagustuhan ko yung beatles part. hehehe. ganyan din kasi ang gusto ko ituro kay yohan ko. ang mahilig sa beatles at sa paggigitara (isa sa mga frustrations ko, marunong ng basic pero hanggang doon lang).
ReplyDelete