Saturday, February 21, 2009

Buhay Buhangin (Sn 18)

-------------------------- oOo--------------------------
Para Sa Mga Walang Partner Noong Balentayn's...
Buti pa ang kalendaryo may date
Buti pa ang hersheys may kisses
Yung ibang tao wala!

Buti pa ang telepono hini-hello
Buti pa ang film nadi-develop
Buti pa ang keyboard nata-type-pan
Yung ibang tao hindi!

Buti pa ang exams sinasagot
Buti pa ang problema iniisip
Buti pa ang assignment inu-uwi
Yung ibang tao hindi!

Buti pa ang kamalian napapansin
Buti pa ang salamin minamasdan
Buti pa ang hininga hinahabol
Yung ibang tao hindi!

Buti pa ang sugat inaalagaan
Buti pa ang lungs malapit sa puso
Buti pa ang pera iniingatan
Yung ibang tao hindi

Buti pa ang baso dinadampian ng labi
Buti pa ang unan inaakap sa gabi
Buti pa gasolina, nagmamahal...
Mabuti pa sila...

(Author: Unknown)

Pahabol: According to R-yo (Islander In The City), this poem was written by Gary Granada. It was emailed to me by my good old friend, Pam.

35 comments:

  1. Hehehe :D Lupit ng puwet nung nakatalikod, seksi...kahit saan naman ata basta may pinoy may basketball...hindi man ako mahilig sa ganyan eh madalas manood lang ako ng mga naglalaro dito sa barracks namin...

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Hahaha! May mga sapilitang pinapasali para matuwa ang mga manonood?! At mayroong gustong ma-discover?! Whew! [Napailing.]

    Ayos po pala dyan! Ako kahit matangkad ako, isa rin akong pwedeng pagtawanan kapag basketball ang pag-uusapan.

    Kuya BlogusVox, may kulang ang drawing. Dapat mayroong isa d'yan na representative ng typical na basketbolista. May nakita akong medyo malapit sa hinahanap ko pero naka-shades naman. Hahaha! Hoooo! (,"o

    ReplyDelete
  4. kahit saan naman may ganyan eh hehehe..parang bahay kubo... "ang kasali doon ay sari-sari" ahihihihi

    ReplyDelete
  5. LordCM, I used to play "point guard" in my younger days and I'm still willing but my body complains. : )

    RJ, hehehe, Kuya Nebz ha. Nabasa ko yun bago mo binura. : )
    Sayang yang tangkad mo, 6'1''. Center ang laro mo rito kung nandito ka lang. Hindi naman tinitingnan dito kung marunong ka o hindi. Ang "purpose" e para may libangan lang.

    ~yAnaH~, re: "parang bahay kubo". LOL! Okay ka talaga!

    ReplyDelete
  6. basta libre, shoot yan sa pinoy. sa dubai, may bayad ang per training ng players. plus, pag nanalo sa game, may bayad ulit! bukod sa billiards, isa yan sa sideline ng mga pinoy d2. healthy ka na.. may allowance ka pa! oha!

    ReplyDelete
  7. Totoo ka jan! Me mga kaibigan nga ako na ke liliit e kasali sa liga. Tapos pag nagkuwento parang sila ang dahilan kung bakit nanalo ang team. O baka rin naman totoo.

    D lang talaga ako mahilig manood ng basketball dahil karamihan naman sa mga naglalaro ay 'papa' at puro 'mama' nila ang nanonood. Kaya ang sigaw nila parati ay: 'shoot the "balls", papa!'

    You know what I mean...

    ReplyDelete
  8. Hahaha. Wala yata ako kilala pinoy na ayaw maglaro o kahit manood ng basketball kahit nag liliit natin kumpara sa mga kano.

    ReplyDelete
  9. A-Z-E-L, yang sinasabi mo e yung sumasali sa "commercial tournament". Humuhugot ng "players" at binabayaran talaga ang mga yun per game. Ang mahirap pag nadisgrasya ka sa laro. Hindi sasagutin ng "sponsor" and pagpapagamot, abala pa sa tunay mong trabaho.

    Nebz, ang mahirap pag may sumigaw ng "Shooot the ball, fafa"!

    Lawstude, sa kompanya namin, lahat kasali, marunong o hindi. Katuwaan lang, sagot pa ng kompanya ang uniform at meryenda!

    RJ, ikaw naman, biro lang yun. Okay lang yun, everybody commits mistake naman. : )

    ReplyDelete
  10. swak na swak pards. iba iba talaga ang reasons ng mga players kung bat sila napapasali sa mga liga.

    katunayan nga, start na ng liga ng PBLQ dito sa qatar next friday. cant wait. hehehe.

    natawa ko dun sa walang salawal. o meron yata, baka hindi lang nag-tuck. hahahaha. =D

    ReplyDelete
  11. a.r.d.y.e.y., PBLQ? As in Phil. Basketball League Qatar? Aba, okay yun ah. Para ka na ring nanood ng PABL nyan.
    Yung walang salawal, meron yun. Kinapos lang sa uniporme. XL ang t-shirt na naibigay sa kanya. : )

    ReplyDelete
  12. Naku ang numero 23 ginamit nung matandang uugoy-ugoy na...bwaaaaah. inagaw niya ung uniporme ko ah. kaya pala nawala sa sampayan, si kabayan lang pala!

    Mula ng napilayan ako noon... hanggang panonood na lang. pero kung makaasta kung minsan akalain mong mas magaling pa sa star player... yan ang hirap sa nanonood lang... magalit pa pag nagkamali ang player.

    Scoop - last week ung isang Pinoy team namin dito sa desyerto natalo ng team ng Arabo by one point sa elimination round ng liga. Ano ba naman magawa ng thumbtacks kontra sa mga maiitim na higante. Kaso sabi nila pagkatapos ng game - (tranlated na po)"sabi nyo di kayo magaling sa futbol, sa basketbol lang, eh ngaun?" Tumahimik ung mga thumbtacks na mayabang...hehehe.

    ReplyDelete
  13. I love the poem, Buti pa sila... hahaha, what reality! If basketball can do these to Filipinos, what more to other races?

    ReplyDelete
  14. haha, alam ko yung number 7 blogusvox, si Iverson yan eh... yung number 23, hindi yan si Jordan, si malone? Lolo na si Malone eh.

    Pero I agree sa lahat ng sinabi mo, pero kahit ano pa man ang intention ni kabayan sa pagsali, nakakalibang at nakakaaliw pa rin sa mga kababayan, wag lang mabalian, kasi, lagot sa trabaho.

    regarding the Buti pa...poem ba yan? hehe, nice, di ko naisip yun pero oo nga noh!

    ReplyDelete
  15. Hindi naman masama na maglalaro ka ng basketball kung maliit ka,maganda naman itong exercise at pasttime pang alis pa ng stress ang problema ay pagkatapos ng game inuman din ang kasunod,ang iba naman masyadong dinidib-dib ang paglalaro halos ang bukang bibig araw araw ay basketball ke isip mo pwede siyang maging pro pero ang height 4' 11".

    ReplyDelete
  16. Hahaha. Napansin ko nga sa coverage ng Balitang Middle East, may mga palaro ng basketball sa KSA. Dito puro football, tennis and crickets. Natawa naman ako dun sa reason na bakasakaling madiscover ng TFC. =)

    ReplyDelete
  17. DAForce, ganyan talaga ang "meron". Mas magaling pa sa "players" at mas marunong pa sa "coach". Pero paglaruin mo, bano! : )

    sheng, libangan lang yan dito at palipas oras. Pag sineryoso mo ang laro, wala kang mararating.

    Kenjie, dyan ata sa lugar nyo, commercial na ang liga. Binabayaran ang mga "players" para lang maglaro. Racket din yan ng mga "organizers".

    ed v., napansin ko nga yan. Kung sino pa ang pinakamaliit sa team, sya pa tong pinaka-agresibo.

    Ms.Jo, totoo naman yang "tv-concious" na player. Panay ang exhibition at porma pag may coverage. : )

    ReplyDelete
  18. ayos na naman ang banat pards,dito rin ang hilig magpapicture at maglaro ng basketball ang mga kabayan natin...halos ganyan din ang itsura..he he he.kasama nako.:)

    ReplyDelete
  19. Hahahaha Mukhang may syoke pa doon sa basketball team mo ha. :D

    ReplyDelete
  20. ever, kahit saan atang lupalop ang Pinoy, makabu-o lang kahit 4, basketball na. : )

    panaderos, hehe "syoke". Matagal ko na ring hindi naririnig ang "term" na yan. It only goes to show, we are of the same generation. : )

    ReplyDelete
  21. wahahahaha!

    natawa na naman ako. kuhang kuha kasi hayuf!!

    ReplyDelete
  22. oo nga noh,ang tfc laging may binabalita tungkol sa mga basketball tournament sa ibat ibang panig ng middle east.nakakatuwa!sayang hindi sila nagcover ng basketball tournament namin sa iran, mas masaya dun! Hehehe

    ReplyDelete
  23. hahaha... iba ibang dahilan pala. kakatuwa naman dala pa rin pala ng mga noypi ang basketball dyan.

    ReplyDelete
  24. Nyahaha :D. At least diba lahat game na game. May team spirit.

    I love the poem. Ganda pagkagawa. Napaka witty. :D

    ReplyDelete
  25. madjik, very common ba na nakikita sa hardcourt? : )

    theo, nung nandoon ka ata sa Iran, wala pa ang programang "Balitang Disyerto" eh. : )

    donG, basta may posteng pweding lagyan ng "ring", kahit ang bola ay pang tennis, maglalaro ng basketball ang pinoy. : )

    Dee, yes, the team spirit is there. Masaya, lalo na pag ang alam ng player e "larong buko".

    ReplyDelete
  26. Nice cartoon and poem bro :)

    Meron namang iba, siguro naglalaro ng tennis hanggang madaling araw. As for the basketball, mabuti yan at merong pampalipas ng lungkot at merong hinanabol na award pati. Buti na lang walang "tagay" sa Saudi or else, maging lalong colorful ang game haha :)

    ReplyDelete
  27. oks na yang mag basketball na lang, kesa isipin pa na walang kabalentayms...Tipid pa

    ReplyDelete
  28. Hello Mr. BlogusVox,

    We like your Buhay Buhangin series. They speak so true about life in Saudi and we enjoy reading the rest of your entries.

    Some of us watch basketball too (of course only when the venue allows women)... to pass the time and to look for eye candies! Hahaha, kiddin.' But we cannot deny, we Pinoys surely got game! ;)

    More power!

    The Pink Tarha Girls

    ReplyDelete
  29. He he. Ang gagaling ng players ah. Marami nga akong nakikitang ganun. Btw, ang author ng Buti Pa Sila e si Gary Granada.

    ReplyDelete
  30. bw, thanks pards. Meron kung minsan langhap mo ang amoy ng "sadiki" sa hininga nila.

    Francesca, true, at salamat sa pag pasyal mo.

    TPTT, hello girls, thank you and "Ah Halan Wasahalan" to my blog.

    R-yo, talaga, si Gary Granada ang author nito? The same Gary Granada who has a beef with GMA7? Kaya pala very witty ang dating.

    ReplyDelete
  31. hahaha! mahilig talaga ang mga pinoy sa basketball ano? kahit saan mabenta ;-)

    ReplyDelete
  32. caryn, yan ang pinoy. Ang mga hilig na sports e kung saan sila hindi nanalo in international competition.

    ReplyDelete
  33. ahahahahaha sumakit naman tyan ko kakatawa, una sa buhay buhangin pangalawa sa buti pa kalendaryo hahaha kasi ako wla ng meron ang kalendaryo hahaha, salamat

    ReplyDelete
  34. TZ, salamat at walang ano man. : )

    ReplyDelete