Foreword: Another email was forwarded to me by my friends. They asked that I post this to remind everybody the experiences and sacrifices OFWs encounters for the sake of their families back home - BlogusVox.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.
Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.
Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa
Frederick Arceo
Frederick Arceo’s words reflect the true sentiments of most of our OFW “kababayan”. It is sad to think that some relatives and friends back home equate “working abroad” to big salary, better lifestyle and material possessions. Some relatives totally relies on OFWs even if they are already of “working age” or have families of their own. “Walang problema, nasa abroad ang (itay, inay, kuya, ate, anak)” is a typical phrase. As if the cornucopia will never run dry - BlogusVox.
Nasabi na siguro lahat ni Frederick Arceo. I'm giving him three full nods for this.
ReplyDeleteOo, talagang matindi ang hinanakit. BTW, OT, may heat wave pala ngayon dyan sa inyo ano. Kaya pala para kang nasa pugon.
ReplyDeletethats why children of OFWs are known today as Cell phone babies being raise by their parents thru cell phones or cell text messages from abroad. anyway the good thing according to a survey is that OFWs children performance in school are as good as non OFWs children hmmm.....
ReplyDeleteWritten straight from the heart (and facts). Sapul yung sentiments ng mga Pinoy. Nung OFW nako, saka ko mas naappreciate yung sacrifices nang mga nasa ibang bansa.
ReplyDeletesobra ka na blogusvox, you really made me laugh...and definitely cry. even indirectly coming from you this time, similarly you're the bearer of it all.. know why? ksi nga what you usually wrote clearly signifies the true meaning of the word "F I L I P I N O.." nakaka-iyak...
ReplyDeleteI concur. I think totoo nga karamihan nun. Hindi ko ma-confirm sa ngayon kasi ako yung nasa Pinas pa rin at hindi pa naman ako nagtatrabaho. :) Pero sana dumating sa punto na hindi na kailangang mangibang bansa ang mga kababayan natin.
ReplyDeleteTotoo talaga. It's not easy to become an OFW. Mahirap makipag- sapalaran sa ibang bansa. That's why hero talaga ang mga OFWs not only to their families but most importantly of the Philippines. Saludo ako sa lahat ng OFWs sa buong mundo.
ReplyDeleteIt's tough to be an OFW lalong lao na pag hindi mo kasama ang pamilya. People don't appreciate that we only have one life to live and some OFW's are away from their families for more than 10 years, missing the growing years of their children.
ReplyDeleteMahirap at masakit na mawalay sa pamilya ng ganoon kahabang panahon kaya, being an OFW is very tough, considering the sacrifices they have to go through for the sake of their families.
Hindi alam ng iba na kahit na dollar ang kinikita mo, dollar din ang gastusin mo sa bansa na pinagtatrabahuhan mo. Mataas din ang cost of living na kinakalaban natin. Nakikita lang nila ay iyong perang pumapasok pero hindi nila nakikita kung magkano ang nailalabas dahil sa taxes at sa gastusin sa araw-araw.
ReplyDeletehi blogusvox, oo nga, that's what others think dahil OFW, my hubby is offered a measly 2000SAR for the work, and tinawagan siya uli kagabi, converted to peso, i don't think it suits the needs of the family, and it is not worth to be away from us. So, hindi na kami pumayag, may konting business naman kami, okey na yun. Higpit sinturon lang talaga.
ReplyDeleteed v., it depends, I've known ofw children who really do good in school. I also know some who let their parents down.
ReplyDeleteMs.Jo, tama, you won't understand a person's sentiment until you're in their shoes.
Ms.Loida, thank you. Para pala akong si Neil Simon. I make you laugh then make you cry.
Cris, kaya pag-igihan mo ang pag-aaral. BTW, thanks for dropping by.
Dee, OFW remittances saved the Phil. from the Asian economic meltdown of the '90s. Gobyerno lang naman ang nag "pin" ng "bagong bayani". Ironically, I don't feel like one and our government doesn't treat us like one.
bw, kahit mahirap at magastos pag kasama ang pamilya ko, I'd rather have them with me. Hindi mabayaran ang "peace of mind" at ligaya sa piling ng mahal sa buhay.
panaderos, true, nakikita lang nila yung panlabas na anyo. But sometimes I don't blame them. Yung ilan naman kasing nasa "abroad" pag umuwi nakasulat sa buong katawan ang "money and success"!
sheng, good for you. Kung kaya rin lang kikitain sa Pinas, bakit pa mangingibang bansa. Hindi practical.
Sakripisyo talaga ang pagiging OFW. 20 or 30 years from now, when we're old and dying, may panghihinayang kaya tayo dahil naging OFW tayo?
ReplyDeletei can really relate to this because my father was once an ofw. now my brother is working in abu dhabi.
ReplyDeletea lot of people thought that earning money there is easy.
On your comment about my Questions:
ReplyDeleteyes, i believed you blogusvox.. lucky that we had learned how to stretch whatever small or large we have from the start, and we definitely know exactly how to live within our means.
this is one good reasons why i highly cling to various point of views from the net. thanks a lot Blogusvox and to M. Dawodu too.
"Hindi Mayaman ang OFW" true yan, ang akala ng iba, lalo na ng mga kababayan sa Pinas, may gripo ng pera sa abroad, hehe. Bakit nga ba ganyan ang notion?
ReplyDeleteKung alam lang nila...ang hirap mamuhay ibang bansa. Seguro mabuti sa ibang bansa pero what if sa Saudi?
Thanks for this post. Thanks for the man who emailed you this, Blogs.
Nebz, kung ang pagpunta ko dito ay nakatulong sa pag-angat ng buhay ng aking pamilya, siguro walang pagsisi para sa akin, 20 taon sa ngayon.
ReplyDeletedonG, ang isang pangarap ko, sana hindi na maging OFW ang anak ko o ang susunod na henerasyon.
Ms.Loida, hehehe, salamat ulit. Pwede namang basahin ang iyong reply sa blog mo. Palagi naman akong bumibisita dyan.
Kenjie, kung minsan ako ang nanliliit pag tinatanong kung saan ako nagtratrabaho. Kasi pag sinabi mong "sa labas ng bansa", they expect a lot from you.
yes, an OFW's life is not easy. the sacrifices of being away from your family is not a joke no matter how substantial the monetary benefits may be.
ReplyDelete"hindi mayaman ang OFW" -- this has got to be the biggest misconception of all. OFWs suddenly find themselves with so many friends and relatives. you become popular all of a sudden. unless you commit the grave sin of missing out on giving one person, then you'd get bad-mouthed for the rest of your life.
ReplyDeleteas what panaderos said, we may earn in dollars (or euro or whatever currency), but we spend in dollars also and the cost of living varies from country to country. by the time the money reaches our family, it's converted to peso and sounds like a lot. but in the currency of the country we're working in, maybe it's hardly enough.
but then again, meron ding OFWs who spend money like there's no tomorrow. then send a small amount back home but spend the rest of it to enjoy the good life. by the time they go home, wala silang savings. merong ding OFW who send everything back home, yung pamilya sa pilipinas ang waldas. by the time he/she comes home, ubos na ang pera.
7thstranger, I know some ofws with "broken homes" because of long separation and the attraction of the green buck just to good to resist.
ReplyDeleteMimi, you just mentioned the reasons why some ofws are not succesful in their sojourn abroad.
ang tingin kasi ng karamihan, pag OFW ka na eh mayaman ka at maraming pera. hindi lang kasi nila alam kung ano buhay meron dito sa ibang bansa..mahirap din dito..kung wala kang lakas at tibay ng loob talo ka.
ReplyDeletesubukan kaya nila makipagsapalaran sa ibang bansa para malaman nila kung anong hirap maging OFW.
sigh, tama ka napaka totoo ng mga sinabi mo sigh! salamat sa mga makabuluhang posts mo... sumilip lang ako naka chamba ng short time hehehe
ReplyDeleteKung hindi sa mga Pinoy na nagtratrabaho sa cruise ships, I don't think any of these cruise ships will be financially afloat.
ReplyDeleteOur hardworking kababayans on board these ships, from shipboard entertainers to the maintenance workers, are not given the credit they are due from our country, the cruise lines and the cruisers.
They looked happy and content but they have to endure long separation from their loved ones, work hard without job security, take abuses from management and demanding cruisers and often get cheated of well-earned tips. It is enough to drive them crazy but luckily, they are made of stronger stuff.
May tama ka dyan! sapul na sapol talaga. Sobrang hirap na kasi ang buhay sa Pilipinas kaya nagtitiis ang mga OFWs. Ang mga mayayaman lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap sa atin.
ReplyDeleteNapadaan lang pre...
ReplyDeleteDapat ipost ng lahat ng OFW Blogger ang entry na to sa kani kanilang blog, para naman di lang sa atin umiikot ang hinanakit ng isang OFW, paano malalaman ng nasa Pinas ang hirap natin kung walang magsasabi sa knila? o wala silang mababasang katulad ng tutuong istorya tulad nito...
Brod, add kita ha? ...
nabasa ko na rin to pero binasa ko pa rin dahil lahat totoo eh!lalong lalo sa sinasabing "napapanot at nakakalbo na" ouch!
ReplyDeletehehehe di pa naman grabe pero senyales na bayun???
simple lang ang sulat niya pero para sa ating mga O-IP-DOBOL-YO! malalim ito..dahil damang dama natin ang lahat....
hayyyy buhay nga naman parang O-IP-DOBOL-YO! Tiis lang at pananalig kay papa lord aking mga Kabayan..
i actually passed on an honest weblog award to you in my site since i enjoy reading your posts. but i just saw now that you already have one... :)
ReplyDeletekailangan maging masaya,kailangan maging mag-isa.pag nagkasakit ka walang mag-aalaga sayo,pag nagutom ka kakain ka ng tinapay na itatapon mo na sana.ito ang bagay na naranasan ko dito sa kuwait..
ReplyDeletedi nila alam di ko kayang sabihin,isang dahilan na away ko silang mag-alala...
i mean ayaw ko silang mag-alala!
ReplyDeleteKung mas bibigyan ng pansin ng gobyerno ang pagtulong sa ating mga Pilipino na magkaroon ng trabaho dito sa sarili nating lupa at tamang kultura at tulong para maging entrepreneurs, sa tingin ko mas magiging maganda.
ReplyDeleteKung papipiliin ang mga OFW, magandang trabaho sa Pilipinas o magandang trabaho sa abroad, siyempre ang pipiliin nila ay magandang trabaho sa Pilipinas.
Kung ang binibigyan lang ng halaga ng gobyerno ay ang pagdedevelop ng Pilipinas para maging magandang place para pagtrabahuhan. . .
ganun nga yata ang tingin ng mga pinoy sa nag-uuwiang ofw na limpak limpak ang pera. mahirap nga sa abroad kapag di kasama ang pamilya. malaking sacrifice para lang may maipadala.
ReplyDeletepoging (ilo)Cano, kaya nga naniniwala akong ang OFW are made of harder stuff. Hindi biro ang makipagsapalaran sa ibang bansa na mag-isa.
ReplyDeleteTZ, bakasyon ka pa rin ba?
bertN, cruise personnel look "happy and content" because cruise management require them to look happy and content. But behind that facade, do they feel the same?
Sardonyx, life's unfair. BTW, thanks for dropping by.
Lord CM, sana nga para malinawan ng nakakarami ang kalagayan ng karamihan sa kababayan natin. Salamat sa pag-dalaw at salamat din sa pagdagdag ng site ko sa blogrole mo. : )
boomzz-in-iraq, tama, tiis lang. Bata tinatahak ba ang tamang landas, saan ba yan patutungo kundi sa kabutihan. Salamat sa pag dalaw, kabayan.
7thstranger, I don't mind if I already have one. I'll accept an award as long as it was given whole heartedly. Thank you!
ever, parang istorya sa "soap" sa tv, pero nangyayari sa mga kababayan natin dito yan.
Trabaho Philippines, sana nawa ay dinggin ng nakakataas ang mga hinaing ng nakakaraming Pilipino.
Mari, napapansin mo bang nagtutula ka? : )
BTW, ang hirap pumunta sa bago mong site.
Tamang tama ang nilalaman ng iyong post tungkol sa OFW, lahat ng aspeto na naglalayon maipaliwanag ang katauhan ng isang OFW ay natukoy sa blog na ito. Purihin ka BlogusVox at sa may katha nito.
ReplyDeleteThe Pope, salamat kabayan! Ang akin lang ay malinawan ng nakakarami na hindi lahat ay paraiso sa bansang pinagtatrabahohan ng mga OFW.
ReplyDeleteoo nga. akala nila mayaman ako, e ilang araw na akong puro noodles at saging lang ang kinakain! he he. nag-iipon kasi para mas marami ang mapakain sa pinas. kaya nga lahat ng OFW, dapat matutong mag-ipon kahit pakonti konti. Andami kong kakilalang umuwi na ng pinas na ngayon e mas mahirap pa sa dati.
ReplyDeleteR-yo, masyado mo namang nilalait ang sarili mo, attorney. Huwag mong sabihin, naubos lahat ang inipon mo ng magbakasyon ka. : )
ReplyDeleteSir Pede ko ba mahiram sayo tong Post nato? i post ko rin sa Blog ko..
ReplyDeleteSalamat ng Pauna Sir...
bomzz-in-iraq, oo naman. Sige paki-post sa blog nyo, para mas marami ang makakabasa.
ReplyDeleteThis is so true, and nakakarelate ako kahit hindi ako OFW kasi my mom is one. The first time she went away, I was three, and she would come back every couple of years or so. So while I was growing up na-notice ko rin yang mga bagay na yan. Una sa lahat, ang buhay namin hindi naman maluwag na maluwag paano andaming pinapakain....mga relatives na andito sa Pinas at hindi nagttrabaho, na kada sweldo eh naghihintay lang ng lalaking naka-motor na may dalang pera. Tapos pag umuwi si Omma aba andaming nakakabit na kala mo sila ang anak na pabili ng pabili. Pag uwi, ang perang dala mauubos dahil syempre kailangan manlibre, at dumadating din yung mga suddenly nangangailangan kung kelan may dumating sakto tsaka nagkasakit si ganito ganyan. Kaya nga maaga akong nagtrabaho sa kagustuhang kumita ng sariling pera kaya heto, ngayon, nakatayo ako sa sariling paa samantalang ang mga kamag-anak na mula noon eh pasan pasan na ni Omma, ngayon ako naman ang may pasan. Haaaays....
ReplyDeleteMabuhay ang mga OFW!
katcarneo, I know what you mean. One thing I can say, you owe your relatives nothing. Your Mom was very generous to them because of you. She wants them to take care of you in return for those "freebies" they received. BTW, thank you for dropping by.
ReplyDeleteBlogusVox, I return to the sandbox because of Panderos mention on his blog. Still, I un derstand little Filipino, but I do know that for an OFW, the reality is hard to live well , and still save money. Sacrifices are made.
ReplyDeleteI live on a small income in America, but am seeing from others how to save whern money management was so poor for me. Salamat. Keep blogging.
tutuo po lahat iyan... last year nagresign ang erpats ko from saudi to transfer to dubai... september to april wala po sya work kaya naubos din ang savings at buti na lang nakahiram ng pang gastos sa mga lola... mas mainam sana magkaroon ng business habang maaga pero until then... kailangang mangibang bansa ...
ReplyDeleteKeith, that's the reason, as much as posible I post in English, becasue some of my readers can't understand Tagalog. Unfortunately, some posts are better written in Filipino because in that language, writers can express more feelings that are unique to Filipinos. BTW, thanks for dropping by.
ReplyDeletejpx3m, maigi naman at natuloy ang Daddy mo. Salamat sa dalaw.
diko malaman kung tatawa ako o iiyak dito sa post mo e hahaha huhuhu tunay na tunay e pero ganun talaga tayo e kahit na nga nalulungkot tayo dito at nagkakasakit di natin gusto na malaman nila yun ang mahalaga satin masaya sila dun at kaya tayo nandito e di para sa sarili natin kundi para mapasaya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal natin.
ReplyDelete