Wednesday, January 07, 2009

Isang Masalimuot Na Karanasan

Foreword : This letter was forwarded to me by my brother R and also by my good friend F. Although we hear only one side of the story (that of the victim), I think there is a grain of truth in it, considering it was written by a co-worker and not by the involved party.

Sa lahat na Manggagawang Pilipino,

Nais ko lamang i-share sa inyo ang isang pangyayari na nawa maging kapulutan natin ng aral at maging silbing paalala sa atin habang nandito tayo sa Gitnang Silangan lalo na sa bansang ito.

Ito po ang story:
Meron po kaming kasamahan sa grupo na nagtatrabaho sa KIKA dun po sa Riyadh Gallery Mall (Geant Galleria). Minsan ay merong babaeng customer na nabitiwan nito ang kanyang bag at kumalat sa selling area ang mga gamit nito. Dahil po likas sa ating mga Pilipino na matulungin, nakita po ng kabayang ito at dagliang tinulungan ang babae. Pero di po alam ng kabayang ito na sa pag magandang loob niya ay magiging masalimoot ang magiging Pasko at Bagong Taon niya.

Dahil, pagkatapos niyang tinulungan ang babae, nag complain ito sa Customer Service na nawawala daw ang kanyang pera na worth SR3,500. at ang pinagbibintangan ay ang kawawang kabayan na nagmamagandang loob lamang.

Tumawag ng Security Guard, at nagkaroon ng investigation at sa maikling salita, ang suggestion sa kabayan ay bayaran na lang nag babae para daw di na magsuplong sa Police. At dahil sa laki ng amount compared sa suweldo ng kabayan ay humingi ito ng tulong sa mga kababayan natin at dagli-ang napunuan ang SR3,500.00 para wala ng problema. Ang lahat po ay nag-ambag ambag para malikum ang SR3,500.

Akala namin ay dito na magtatapos ang issue, pero kahapon aming pong nalaman na ang kabayan ay pauuwiin ng kumpanya nila dahil sa paratang na nagnakaw, at dahil sa mabilis na pagkabayad ng alleged nawawalang SR3,500 ay nagduda ng husto ang kanilang kumpanya na siya nga ang kumuha ng nawawalang pera daw ng babaeng customer.

Mahirap pong isipin kung anong merong ugali o katwiran ang mga taong ito. Malinaw na ang kabayan natin ay biktima ng panloloko at sa pagmagandang loob nito na tumulong ay naging cost ito ng kanyang trabaho dahil naging work termination ang reward niya.
Dahil dito, let us be reminded ng ating PDOS, na sa anumang pagkakataon kahit mabuti ang ating intention ay huwag tayong mag extend ng anumang tulong lalong lalo na sa mga katutubo o sa ibang lahi. Laban man ito sa ating kinagisnan kagandahan asal, pananalig, paniniwala o kultura pero isaalang-alang din natin ang atin kapakanan, lalo na kung ang nasasangkot ay hindi natin kalahi. Alalahanin natin we are in a stranged country with stranged cultures. . . Kaya po pag may nakita tayong nalaglag na gamit lalo na sa babae saang Mall o Shopping Center man hayaan natin sila. At nawa ito’y maging babala sa ating lahat.

Happy New Year po.

Best Regards,

Ramil Prava Tabligan

Not everything in this country is bread and honey. It’s sad that it happened to somebody who only has nothing in mind but good intention. This is also the reason why we are reluctant to help road accident victims. “Good Samaritans” gets in trouble and blamed for their death if victims dies while on their hands.

It is disturbing and it doesn’t sit well on our psyche, because Filipinos are “likas na matulungin”. We got that trait from our “bayanihan” mentality.

19 comments:

  1. Nakakatakot ang insidenteng ito! Kahit saan nagkalat ang masasama (ayan sabihin ko na talaga ang salitang gusto ko). Hindi naman sa lahi 'yan, sa tingin ko kahit anong lahi ay merong mga ganyan, kaya kahit dito sa Au applicable din siguro ang leksiyong makukuha sa kwentong ito.

    ReplyDelete
  2. it is sad that it has to happen sa isang taong nagmagandang looob. and with that incident, they tOOK a lot from him. they took his life awaqy. for bein in that foreign place has been his life in order to provide for the needs of his family. instead of having something, he comes back home empty handed and its not even his fault in the first place.

    ReplyDelete
  3. ang lungkot nga naman ng ngyari, may mga ganyan nga na nagsasamantala ng kapwa at kung sinu pa yung tumulong sya pang napapahamak kaya ako talagang pag my nakita akong ganyan kahit gusto kong tulungan hinahayaan ko nalang kasi maraming mga insidenteng ngyayari dito na kakaiba din, my mga kababayan tayong nabibitay dito yung iba kasalanan nila at yung iba naman ngmagandang loob lang e ang sasama pa naman ng ugali ng mga tao dito kaya di talaga ako nag attempt man lang na tumulong lalo pat di naman din sila tinutulunga ng kapwa nila e iwas na rin ako isip ko nalang na baka kaya walang natulong sa kanila e alam na nung kababayan nilang mga raket ng mga kalahi nila, sana nga magsilbing babala ito sa iba nating mga kababayan,at salamat na rin sa pag post mo dito atleast e napapaalalahanan kami.

    ReplyDelete
  4. Maski saan 'atang parte ng mundo may mga ganyang taong walang kunsensya at nuno ng greed.

    Dito sa 'tate mayroong magkaibigan na naaksidente. Ang kanilang sasakyan ay nabangga at nagliyab. Binalikan nuong isa nang mapansin niyang ang kanyang kasama ay nasa loob pa ng sasakyan na nagliliyab at hindi makaalis ng kusa. Hinila niya ito sa safe na lugar thus saving her for being burned alive.

    Ngayon hinabla siya for monetary damage sa dahilan daw na nang pilit siyang inilabas sa sasakyan ay lalong naging grabe ang kanyang injuries. Can you believe that! Dapat pala pinanood na lang niya ang uldog habang nasusunog ito!

    ReplyDelete
  5. ay grabe oo nga may nabasa ako sa news na ganyan kundi daw sya pinilit ilabas at iligtas e di sana di sya paralitiko ngayon sana daw hinintay yung mga expert na magligtas sa kanya huh grabe e sa tingin ba nya buhay pa sya kung hinintay yung mga exper? e ang banat pa sana nga raw namatay nalang sya kesa nagdurusa ngayon na paralisado na, nakuuuh e diba naman masarap pukpukin sa ulo ng matauhan hihihi

    ReplyDelete
  6. TSK!TSK!TSK oh KIKA of riyadh gallery very near to our villa in riyadh,one time namili kami doon dahil 75% off almost mga staff working in KIKA mga pinoy sabi ng isang kabayan doon kaya nag 75% discount sila dahil pasara na daw ito dahil nalulugi na,pero ngayon open pa kaya inaantay ko nga na mag 100% off sila LOL

    T.I.S baby!!!( this is saudi baby) as what my american friend favorite expression here in saudi whenever he experienced bad or weirdly happened to him!!! which i borrowed from him today for this article LOL.

    one of the rules which my mentor told me here the moment i arrived here in saudi is, as much as possible is to avoid in contact sa mga babae kahit customer mo may distance pa rin,bawal makipagusap at makaipagtitigan kung ayaw malagay sa gulo!!!hayaan sila kahit nadapa or whatever wag tumulung kaya nakatatak na sa isipan ko yan
    kaya CARE ko sa kanila!!!LOL

    ReplyDelete
  7. Mahirap man gawin pero we should just stick to minding our own business whenever we're in a foreign land. Iba-iba ang kultura ng mga tao. Iba-iba rin ang mga kalokohan na kaya nilang gawin.

    ReplyDelete
  8. Ito yung mga dahilan kung bakit bihira na rin ang mga tumutulong sa mga nangangailangan ngayon eh. Sayang naman ano?

    ReplyDelete
  9. I love to help but when people abuse my generosity and kindness, it's another story. I feel sorry for the Pinoy, hinayaan niya na lang sana ang babaeng magkalat ng gamit nito. Hayyy, if only we could read minds...

    ReplyDelete
  10. how sad, let's just hope and pray that our kababayan get another job there.

    ReplyDelete
  11. RJ, tama ka, hindi lang ito "isolated case". Kahit sa atin may ganyang mga taong mapagsamantala sa kapwa.

    yanah, some people sometimes run out of luck. Being in the wrong place at the wrong time. BTW, thanks for droppin by.

    TZ, oo nga. Napansin ko ang mga Chinese dyan parang walang mga modo when I visited Hongkong and Shenzen. Babanggain ka sa kalye pero parang bale wala lang sa kanila. Sa resto naman, hindi ka pa nga tapos kumain kukunin na ang plato mo.

    bertN, walang pinag-iba yan to that woman who sued McDo for their hot coffee when she spilled it on her lap. Twisted logic if you ask me!

    mightydacz, masama man sa paningin natin pero kung yan ang ikakabuti para sa atin dahil nandito tayo sa ibang bansa ay dapat sundin. Most of all, like what BTO says, we should be "looking out for number one".

    panaderos, kahit anong kabutihang asal ang ating kinalakihan pag tayo na e nasa ibang bansa, its much better for us to adapt to their traits and culture, good or bad, in our perception.

    Ka Rolly, nakakadala kasi, dahil sa dami ng masasamang loob, nakatatak sa ating isipan, unang-una ang saloobing baka nanamantala lang ang mga ito.

    sheng, that's why we should always be vigilant in every dealings we make.

    Theo, masakit na lesson para sa ating kababayan. Mahirap tanggapin pero sana mag silbing aral ito para sa kanya.

    ReplyDelete
  12. I remember when we were in geant mall sa Khobar, a Saudi woman tried to borrow my brother's cellphone, makikitawag daw. syempre, natakot si utol, pumunta kay kuya, sabay sabi sa babae, Mafi!

    I know women will try to borrow your phone, especially if its a goodlooking and expensive one, mimic a call, then just try to walk or run away. Syempre, paano mo hahabulin? baka sabihin sa mutawa, and isumbong ka magkakalashes ka pa.

    Hirap ng situation! PEro saken, walang humihiram, pinapakita ko pa nga at minsan kahit sa daan at naglalakad, pinapalabas ko phone ko. ayaw nila ng 3310?:)

    Anyway, blogs, forgive me if magplug in po ako, open na po ang PINOY EXPATS at OFW Blog AGGREGATOR sa http://thoughtsmoto.blogspot.com Kung gusto niyo po isama ang mga blog ng mga kabayan kahit san man sila, email me or leave a comment. At sana po, help me spread the word, pakiplug-in na lang din!

    ReplyDelete
  13. sa USA nga delikado din ang tumutulong lalo na sa mga road accidents dahil marami rin ang na kakasuhan na good samaritan.Dito sa Korea nga may kakilala kami na nagsakay ng hitch hiker na matanda tapos na aksidente iyong sasakyan namatay iyong matanda tuloy siningil sila ng pamilya ng matanda,kaya ako hindi na rin ako nagsasakay ng hitch hiker kahit na sa tingin ko nakakaawa. anyway my sympathy goes to our kababayan God never sleeps...

    ReplyDelete
  14. I am depressed when I learn about this tragedy bro. Pinas ba yung babaeng nang complain that she lost the money? I hope not. Grabe na man ang allegation na yan and it is not true, may that woman get what she deserves - a painful retribution from we know who :(

    ReplyDelete
  15. i wonder how those people (the ones who work out the schemes and the ones who do it) can sleep at night...

    ReplyDelete
  16. @BlogusVox, yeeeees tama ka puro bastos sila lalahatin ko na sila kasi sa 4 na taon ko dito may nameet naman ako na medyo mababait naman pero bastos talaga sila, lahat ng klaseng kabastusan nasa kanila na hahaha kakainis.

    ReplyDelete
  17. Kenjie, talo ka dyan. Mas papanigan ng pulis ang arabo lalo na at babae.

    ed v., in this days, chivalry is dead. Either that or it is tied up by impertinent laws.

    bw, arabiana yung babae. I had a feeling it was a set-up. Gone are the days when you can leave your belongings anywhere and nobody will touch it. When it comes to felony, this country is catching up with the rest of the world.

    Mimi, I think to them its just "business". They no longer have a consience when it comes to that

    TZ, re:"mababait naman pero bastos talaga". Kamag-anak ata ni Bad Boy yang tinutukoy mo. : )

    ReplyDelete
  18. nangyari na rin yan dito tumulong lng sya pero pinag bintangan hinuli at ikinulong kahabag habag ang ngyari sa kanya kya naisip ko tama ka di manyapa't need ng help eh tinutulungan minsan kc planted lng pla yon pra cla mag kapera. tnx sa post mo nag karon ako ng idea na eh post yung nangyari sa kakilala ko...

    ReplyDelete
  19. angel, kahit saan naman e may masasamang ugali. Ang kailangan lang ay konting ingat at huwag masyadong magtiwala, lalo na kung nasa ibang bansa ka. BTW, salamat sa pag dalaw.

    ReplyDelete