Wednesday, August 27, 2008

Pinoy Sa Likod Nang Kurtina

Foreword: I got this prose from my inbox forwarded by a good friend, Ferdie L. I don’t know who the author is. Perhaps his/her name got lost or deleted while on transit from one address to another. This soliloquy paints a picture of a day to day life of an OFW in Dubai. It allows us a glimpse of the sacrifices our brothers and sisters have to make in order to better their lives and that of their families. - BlogusVox

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not? Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it's a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap.

Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga… kurtina! Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here!

Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold, such conditions are becoming the norm.

Sideways... sidesteps.
Hindi yan dance step. That's the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. “Hoy, where have you been, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!” Kasi nga lagi silang naka-sideview.

Warning: Smoking is dangerous to your room.
Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya! Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan. Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na “tuna” ka, o di kaya “sirena” kung feel mong si Marian ka. “Ate, di ba fire hazard yan"? "Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito"! Illegal ang partitions sa Dubai . At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. "Gets mo"? "Yes, Ate". Therefore, “no smoking”: ang sirena baka maging daing!

Burj Al 'Cupboards'
Hindi lang Emaar Properties ang may 'K' na magtayo ng skyscrapers? Haven't we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes? Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila para ang isang kwarto maging lima!

Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna. Siyempre, the taller the better, you keep your neighbor's eyes away.

Now Showing
Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic. Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie… sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may naka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit.

Ang gandang movie, di ba? “Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!”

Paraisong Kurtina
Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry. Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we'd rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, “I have saved again, inay; I'll be able to send money next month.” Dream mo pa bang pumunta ng Dubai?

Mag isip-isip...

14 comments:

  1. Ang hirap talagang maging OFW lalo na pag kailangan mong magtipid para may maipadalang pera sa Pinas. I've visit Dubai before (exit visa lang coming from Iran) and i've seen how our kababayan work very hard to earn money.

    btw, i enjoy reading your blog, it brings back my OFW memories when I was in Iran!

    ReplyDelete
  2. theonoski, salamat at nasiyahan ka sa pagbasa ng aking blog. Katulad nang Iran, mahigpit rin dito sa Riyadh noong araw. Mabuti nga at lumuwag-luwag sila nang sumali sa WTO.

    ReplyDelete
  3. blogusvox, talaga maluwag na dyan sa riyadh? i heard mas maluwag daw sa jeddah and al-khobar. pero sa Iran, super luwag din dun. puede rin magpuslit ng alak from the airport, basta susuhulan lang yung nasa customs dun =).

    add nga pala kita sa blogsphere ko ha! =).

    ReplyDelete
  4. theonoski, I mean "maluwag" as in hindi kasing higpit tulad nang dati. Mas okay sa Jeddah, Dammam at Khobar dahil "open port" at maraming puti doon.

    Salamat in adding me to your blogsphere.

    ReplyDelete
  5. Hindi ba bawal diyan ang styrofoam na gawing tirahan,dahil pagnagkasunog madali itong kumalat at mag emit ng toxic fumes.

    ReplyDelete
  6. ed v., Dito sa Saudi hindi uso yang pinapartition ang one big room into smaller rooms using styrofoam. According to the write-up mukhang sa Dubai ginagawa ito. Kaya pwera ang "smokers".

    ReplyDelete
  7. Struggle nga daw ang accommodation sa Dubai. I'm glad more manageable ang house dito sa Abu Dhabi. I remember one email forwarded to me last week, hinamak hamak nang dayuhan ang isang kababayan dahil nag advertise sya ng sharing accommodation. The Pinoy fought graciously. I'll try to blog about it one time.

    ReplyDelete
  8. Ewan ko ba naman. Sana alam ng ating pamahalaan at ng mga dakilang Kongresista natin ang hirap na dinadanas ng mga Pilipino sa iba't ibang bansa. Pero mukhang puro pagkakamal ng dolyar lang yata ang naiintindihan ni GMA e. Mukhang wala silang ginagawa para umunlad ang ekonomiya para mabawasan na ang mga nangangailangang lumabas ng bansa para makapag hanapbuhay nang matino.

    ReplyDelete
  9. hahaha... natawa ako dito.>>>"Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic."

    dito makikita na hindi madali ang trabaho sa labas.

    ReplyDelete
  10. witsandnuts, Dito sa Riyadh, 6 to 7T/room ang rent ng flat. So if your looking for a two br w/ toilet and kitchen and w/ a small sala; mga 14T/year ang rent. Good enough for a small family.

    panaderos, alam mo kung saan ako naiinis? Doon sa kinita sa VAT w/c is supposed to be spent on infrastructure and other utilities. Ayon pinamudmod ni "madame" sa mahihirap kuno. Ginawang "welfare state" ang gobyerno.

    donG, dyan mo makikita kung gaano magsakripisyo ang ating mga kababayan "abroad". Yung ilan, mapapailing ka kung makita mo ang kanilang pamilya sa Pinas kung umasta. Akala mo pinapala ang perang pinapadala sa kanila.

    ReplyDelete
  11. awww... napaisip ako dito ah, kasi medyo kino-consider namin ang Dubai as a possible greener side of the fence...

    ReplyDelete
  12. Mec, e kung maganda naman ang offer sa iyo, bakit hindi. BTW thanks for your visit.

    ReplyDelete
  13. Finorward to sa akin ng aking inay. Interesting. I hope you don't mind I linked to what you wrote here in my own experience bilang isang OFW:

    http://allabudhabi.blogspot.com/2008/10/everyday-is-picnic-in-abu-dhabi.html

    ReplyDelete
  14. all abu dhabi, oo naman, you can link all you want and thanks for dropping by.

    ReplyDelete